Monday, January 16, 2012

Mundane or Mendicancy?


Habang nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa, sinubukan kong gamitin yung isang talent na matagal - tagal din bago ko nadiscover - stalking.
Maganda kasi yung issue. Tungkol sa isang bata na ginamit ang nagniningning na freedom of expression.
Kung titingnang maigi, yung mga nagrereact do’n sa post nung bata na nagsabi ng mga opinyon niya tungkol sa mga prestihiyosong eskwelehan dito sa Pilipinas e mas bayolente pang magreact kesa don sa mga tunay na nagaaral don sa mga eskwelehang nabanggit.
Hindi ko lang talaga makuha yung point nila. Una, kung sadya bang masyado silang naapektuhan don sa mga sinabi nung bata; Ikalawa, talagang concern lang sila; at panghuli, sadyang nakikisawsaw lang sila sa mainit na usapin.
Meron ngang tinatawag na emotive function, sabi nga ni Roman Jakobson. Pero, nakakapagtaka, kasi yung iba kung maka react naman, wagas na wagas.
Kailangan pa bang umabot sa pagdanak ng dugo sa Lupang Hinirang? Kailangan pa bang ipangalandakan na may kakulangan sa pisikal na anyo ung indibidwal? E sabi nga ni Lady Gaga, “I’m (Everyone is) beautiful on my (their) way because God makes no mistakes, I’m (We’re) on the right track baby I (We were) was born this way.”
Sa totoo lang, isang makapal na bahid na sa ating mga tao ‘to e. Natural lang na mag react tayo, lalo na kapag yung sitwasyon e talagang nakapagdudulot ng silakbo ng damdamin. Sa behaviorism, stimulus - response theory kumbaga. Kaya lang, minsan para tayong mga bulkang sumabog. Hindi na natin naisip kung tama pa ba o baluktot na yung mga isinaad natin.
Hindi ako magician, logician, psychologist o kung ano pa man. Sabi nga, “everyone is entitled to their opinion.” Tulad ng mga nilalang sa mundong ito, nais ko lang ding ilahad kung ano ang nasa isip ko.
Kaya lang, minsan sana wag umabot sa puntong yung mga opinyon natin ay mako - convert na sa “Hypotheses contrary to Fact.” Dahil darating ang panahon, na baka lahat ng mga bagay na binitawan natin ay ang siyang mga bagay na lulunukin din natin upang patuloy na humakbang at mabuhay.
Napakaganda ng mundo, at ang ikinaganda pa nito, binigyan tayo ng karapatang mabuhay at malasin ang lahat ng bagay na naririto. Sana, gamitin natin sa tama ang bawat pribilehiyo na ating natatamo.
Isa lang ang freedom of expression sa mga pribilehiyo na mayroon tayo. Magingat lang sana tayo sa paggamit nito. Ang laki ng kaibahan ng freedom of expression sa verbal offense; sa spelling, sa kahulugan at gamit nito sa bawat konteksto ng ating buhay. Iyan ay atin sanang paka - tandaan.

No comments:

Post a Comment