A correction fluid is one of the prevailing needs of students in this age. It helps us correct the mistakes in our writings,and gives us the chance of modifying our notes whenever our penmanship and memory goofed.
Monday, June 11, 2012
My Old Self.
"We all live but with different goals. mine is to dream, and to make that dream possible. Yet, no matter how hard we try to achieve perfection, we'll still commit mistakes. Life is indeed a matter of options, choices and decisions; for it depends on us if we would dwell ourselves from misery and never learn, or to be better and use the acquired morals. The choice is ours to make. As for me, I could say that life is perfect in its imperfections because even if we are walking in the wrong path sometimes, we can still correct the fallacies and distorted ramifications. So better live, love and laugh."
Tuesday, June 5, 2012
Out of My League.
Eto na siguro ang pinaka - informal sa lahat ng post ko dito. Hmm, so far? Pero wala e! Oo na .. informal na kung informal, pero dito talaga ko masaya e. Bwahaha! XD. Hindi ko kasi hobby ang magpahid ng greencross alcohol sa kamay, pero aminado naman ako na sadyang napakadali para sakin pag nagsusulat ako sa EnggaLog. :)
Hmm, ano ba? E kasi naman, may mga bagay talaga na hirap akong ipaliwanag. Partida ha! Sabi nila, kung magaling kang magrambol - rambol ng mga salita, dapat mani lang sayo 'yang mga ganyang bolahan, mapa - verbal man o gamit ang panulat. Pero wala e, syempre .. hindi naman sa lahat ng oras gumagana ang nabubulok kong utak. At minsan o mas madalas pa nga na mas nasasabi ko nang matino ung gusto ko talagang sabihin, gamit ang mahiwagang EnggaLog. :))
Sa iba, oo .. bago 'to sa pandinig. Pero para sakin na isa sa mga pinipilit at nagpupumilit maging dalubwika, ang EnggaLog ay isang barayti ng creole o pidgin (parang SLANG lang, pero parang hindi. Ito ung mga barayti ng wika na sabihin na nating: eksklusibo lang para sa isa o higit pang grupo ng tao) na ginagamit ng mangilan - ngilang nilalang, sa piling lugar at piling konteksto. Huwaw! Makapagbigay info lang si ateng e. As if namang eksperto na! Bwahaha! :)))
Anyway, tulad ng nabanggit ko sa itaas .. pakiramdam ko lang .. masaya 'ko. Ewan. Hindi naman maitatanggi na isa sa mga dahilan ung kabi - kabilang mga biyayang natatanggap ko ngaun. Nakakatuwa lang kasi kahit simpleng luka - luka lang ako, pinagkakatiwalaan pa rin ang multi - polar na gaya ko. OHA! San ka naman makakakita ng taong multi - polar?! WALA NA! Dahil ako lang yan. Bwahaha! :))))
Nalulungkot ako sa isang banda. Mali, pinanghihinaan pala 'ko ng tuhod. Kasi naman, matagal din akong natengga sa academic writing. Sa summer class namin, wala naman kaming pinasang kahit na anong academic as in formal academic written paper .. ayon sa pagkakatanda ko. Minsan kase hindi na rin reliable si memorya e. Ngayon, na - meet ko na ung isa sa aming mga butihing propesor. At ang masasabi ko lang, NGANGA! Dahil isa sa mga requirements para maitawid ko ang kurso niya ay DYARAN .. written papers. Papers. Mga papel. Le papemelrotti! Bwahaha! :)))))
Sinusulit ko lang ung isa sa mga free time ko. Habang medyo maluwag - luwag pa kami, SIGE! Todo blog lang, todo active lang sa kung anik - anik na ka cheberang kinabibilangan ko sa Internet world. Grabe, akala ko dati, hindi ako ung tipo na magiging adik dito. Yun pala, magigising na lang ako isang araw na .. doon ko na lang mailalabas ung kung ano talaga 'ko, pati na rin ung other side 'ko bilang isang nilalang ng Poong Maykapal. Ang ironic lang, kasi .. minsan, mas naiintindihan ka pa nong mga tao na kung tutuosin, bagong salta lang naman sa buhay mo - pero higit pa sa isang kakilala't kaibigan ang ibinibigay sayong RESPETO.
Oh well papel, walang lugar dito ang kadramahan. Erase! Erase! Natatawa 'ko kasi everytime na madadalaw ako sa Tumblr, inuuna ko pang puntahan ung blog ni ate Alyloony, kumpara sa sarili kong blog. E SAREEH NAMAN, masarap tumambay doon sa blog niya e. Sige nga?! Sino sa inyo ang hindi nagagandahan sa "Out of My League?" Ang sumagot ng "AKO!" babalatan ko ng buhay. :))))))
Bueno, hanggang dito na lang muna 'to. Haba na e. Nyaha! Feeling ko lang, well feeling ko lang naman, inlababo ako doon sa kanta'ng yon. Ang kyut lang kasi talaga. Everytime na maririnig ko un, pakiramdam ko, inlab na rin ako. Hehehe! :)))))))
Psh. Makalayas na nga muna. Iuupdate ko lang ung CCAM. Baka kasi sa mga susunod na araw, hindi ko na maasikaso. E baka lang naman. After all, hanobanaman ung hindi ako matulog, tutal sanay naman na 'ko don. Pero seryoso, ang haba na neto kaya puputulin ko na. :)))))))))
What a crappy way to end a crappy blog post. XD
Subscribe to:
Posts (Atom)